MANILA, Philippines – Bagamat maituturing umano na nasa katwiran ang pagkakaroon ng military action sa West Philippine Sea (WPS), naniniwala ang mga mambabatas sa House of Representatives na mas makabubuti ang paggamit ng diplomatikong solusyon sa isyu.
Ang pahayag ay ginawa nina Isabela Rep. Faustino Dy , TINGOG Partylist Rep. Jude Acidre, at Manila Rep. Ernesto Dionisio bilang reaksyon sa lumabas na OCTA Research kung saan 73% ng mga Pilipino ang pabor sa military action laban sa China at 72% ang pabor sa diplomatic approach upang maresolba ang agawan ng teritoryo sa WPS.
“Naiintindihan po natin kung bakit ganito ang sentimento ng ating mga kababayan ngayon, dahil napakaraming incident na nabully tayo, na-harass tayo, sa sarili nating teritoryo, so normal lamang na ganito po ang nararamdaman din ng ating mga kababayan,” paliwanag ni Dy.
Sinabi naman ni Acidre na ang resulta ng survey na marami pa rin ang pabor sa diplomatic process ay patunay na tama ang direksyon ng administrasyong Marcos kaugnay ng isyu.
“That’s a good indicator of how much trust the President and the administration has in pursuing a diplomatic solution … were still pursuing the diplomatic channels … Kung nakikita niyo, palaging naghahain tayong diplomatic protest, pero at the same time we also making sure that we are capable of defending our boundaries,” pahayag ni Acidre.
Ayon naman kay Dionisio, ang iba pang bansa na claimant sa South China Sea ay dapat maging bahagi ng diplomatic solution. Gail Mendoza