Home OPINION ‘AMOY ANOMALYA’ RIN SA PPA?

‘AMOY ANOMALYA’ RIN SA PPA?

113
0

“NAGTATAKA” ang ating mga kaibigan sa Crime and Corruption Watch International sa pangunguna ng ating kaibigan, Chairman Dr. Carlo Batalla, kung “bakit” hindi na sila pinayagan ngayon ng Philippine Ports Authority na maging ‘observer’ sa mga ginaganap nitong ‘public bidding’ sa mga daang milyones at bilyones na mga proyekto nito.

Kwento sa atin ni Dr. Carlo, “dati” na umanong observer sa mga PPA bidding ang kanyang non-government organization pero nang “ipaalala” niya ito sa isang liham, sinopla, ehek, sinagot siya ni PPA Bids and Awards Committee Chairman Mark Jon Palomar nang:

“… (T)he current composition of observers is deemed sufficient to meet the prescribed requirements.” Translation? ‘No way, Mr. Batalla, “dehins” kayo pwede magmiron sa PPA bidding,’ hehehe, ayy, huhuhu!

Uulitin lang natin na “kung” sana, nag-imbestiga noon ang Department of Public Works and Highways ni dating Secretary Manny Bonoan at ang dating Ombudsman ni Samuel Martires, posibleng hindi na naging malubha—at hindi na rin naging garapal—ang mga kalokohan at korapsyon sa DPWH na nabisto ng CCWI kung saan ‘sandamakmak na reklamo ang isinampa sa OMB pero hindi man lang nagkainteres si Martires na magpa-imbestiga.

Sa halip, nabasura ang karamihan sa mga reklamo ng CCWI dahil sa ‘technicality,’ isang “maniobra” ng OMB na ang naging resulta ay ang daang bilyones na flood control project scam.

Bakit kanyo? Dahil nga sa tingin ng mga korap sa gobyerno, “kaya” nilang aregluhin” ang Ombudsman ni Martirez kaya hindi dapat pinapansin ang reklamo ng ‘concerned citizens’ at matitinong NGOs katulad ng CCWI.

Sa panig ng PPA, mainam na lang siguro, General Manager Jay Santiago at BAC Chair Palomar, na ipaliwanag ninyo sa publiko—na “sukang-suka” na korapsyon—kung paano nanalo sa bidding ninyo sa isang proyekto sa Bohol ang magka-joint venture na naglaban sa bidding?

Pwede pala sa PPA, Ombudsman Boying ‘Bossman’ Remulla, na maglaban sa bidding ang magka-joint venture?

At isama na rin ninyo sa paliwanag kung bakit yung kontraktor na garapal ang ‘slippages’ sa mga kontrata nito sa DPWH ang nabiyayaan, ehek, nanalo, sa North Harbor Dredging Project na higit P800 milyon ang pondo?

Bukod sa bago nating Ombudsman, naniniwala tayong interesado rin ang Malakanyang na maliwanagan ang mga bagay na ito, tama ba, Executive Secretary Ralph Recto?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here