MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation -Alaminos District Office (NBI-ALDO) ang isang indibidwal sa La Union dahil sa umano’y pagdukot sa menor de edad na anak ng kanyang dating live-in partner.
Ayon sa NBI, ipinagkatiwala ng complainant ang kanyang anak sa dati niyang live-in partner noong noong May o June sa kondisyon na ibabalik nito sa kanya ng Hulyo.
Gayunman, nang mabigo ang suspek na ibalik ang bata noong October, naghain ang ginang ng reklamo sa NBI-ALDO.
Nagsagawa ng rescue operation ang NBI at inaresto ang suspek sa Barangay Cuence, Pugo at nakuha ang mga bata.
Dinala na ang mga bata sa Dagupan City Social Welfare and Development Office, ayon sa NBI.
Sumailalim na ang suspek sa inquest sa Office of the City Prosecutor sa Dagupan City sa kasong kidnapping at ‘failure to return a minor under Article 270 of the Revised Penal Code’.
Sumailalim din ito sa inquest para sa Violence Against Women and their Children sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 gayundin ang iba pang paglabag sa ilalim nh Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)