Home ENTERTAINMENT Anak ni Derek, dinalaw si Ellen!

Anak ni Derek, dinalaw si Ellen!

264
0

Manila, Philippines – Malakas ang kutob–kundi man pakiramdam ng mga netizen na napakalaki ng pag-asang magkakabalikan pa sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Ito’y makaraang ipinagmalaki ni Ellen sa kanyang Instagram page ang litrato ng mga bata–si Austin, ang panganay ni Derek from a previous relationship, si Elias (daughter’s child by John Lloyd Cruz) at si Baby Lili, anak nila ng aktor.

Mahihinuhang dinalaw ni Austin si Ellen sa bahay.

Mapapansin ding napapangiti na lang si Austin kahit nagta-tantrums ang kapatid sa ama.

Nilagyan lang ito ng simpleng caption ni Ellen: “With the sibs.”

Sa kabila ng much-publicized breakup nina Ellen at Derek, may saya namang dulot ang larawang ‘yon–opening up the possibility of a reconciliation.

Malinaw daw kasing hindi idinadamay o sinasangkot ni Ellen ang mga bata sa isyu nila ni Derek.

Lalo pang tumibay ang paniniwalang ito ng mga netizens dahil wala naman daw “physical abuse” involved in the breakup.

May alinlangan nga lang ang isang netizen na may kakaibang pananaw sa kaso ng mag-asawa.

Ayon sa skeptic netizen: “Pero paano kung sa kaso nila, eh, inilabas ni Ellen ang baho ng asawa? Ibang usapan na kasi pag ganoon ang nangyari!” Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here