Manila, Philippines – May isang tsismosang kapitbahay na nagbahagi sa isang portal na diumano’y engaged to be married na si Santino, ang dashing Pinoy professional football player na anak ni Jericho Rosales kay Kai Palomares.
Ayon sa nag-ispluk, ipinakilala raw si Santino sa isang ganap bilang fiance ng beauty queen na si Ashley Montenegro.
Si Ashley ay anak naman ng business executive at dating model na si Hans Montenegro na naging kontrobersyal noong kanyang kontesero days.
Kung mangyayari ito, magiging magbalae na sina Echo at Hans.
Ito naman ang reaksyon ng mga katikatera at sawsawera sa naturang tsika.
“So, mauunahan pa si Echo na magpatali ng kanyang anak?”
“Paano naman si Janine?”
“Then after a year or two, magiging grandpa na si Echo.”
“Naku, paano na si Janine? Humiwalay kay Pau dahil di seryoso tapos hanggang asa na lang kay Echo.”
“Di ba, inaayos na ni Echo ang annulment ng kanilang marriage ni Kim Jones?”
“But until annulled kahit separated na ang dalawa, the fact remains na kasal pa rin si Echo sa kanyang ex.”
“The clock is ticking. For all you know, bukas lolo na si Echo.” Archie Liao