Home NATIONWIDE Parak tinodas sa caucus sa Bulacan

Parak tinodas sa caucus sa Bulacan

181
0

Bulacan – Patay ang pulis matapos barilin sa batok ng hindi pa nakilalang suspek sa loob ng subdivision sa bayan ng Guiguinto nitong Linggo ng gabi, Marso 8.

Sa impormasyon, kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Jose Uring na may ranggong Police Master Sergeant, nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit at residente ng isang subdivison sa nasabing bayan.

Sa CCTV footage, kitang naglalakad ang biktima sa loob ng basketball court ng subdivision nang sundan ng suspek na naka-suot ng itim na damit at barilin ng talikuran sa bandang batok at mabilis na tumakas.

Nadala pa ang duguang biktima sa ospital pero idineklara umanong dead-on-arrival, base pa rin sa impormasyon.

Nabatid na naganap ang insidente sa patapos na caucus ng mga tumatakbong kandidato sa home owners association sa lugar.

Sinasabing kasalukuyang pangulo ng homeowners at muling tumatakbo para sa “Team Pagbabago” ang biktima na kilalang tapat, may integridad, disiplina at matapang na pulis.

Kilala rin umano ang biktima na nanguna sa mga proyektong kapaki-pakinabang sa subdivision tulad ng pagkakaroon ng chapel, ambulansya, botika, solar streetlights at marami pang iba.

Sinusulat ito, bumuhos ang pakikiramay ng mga kaanak, kakilala at mga manlalaro ng basketball sa lugar para sa biktimang pulis. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here