Home ENTERTAINMENT Anak nina Derek at Ellen, bininyagan na!

Anak nina Derek at Ellen, bininyagan na!

Manila, Philippines – Isa nang ganap na Kristyano ang supling ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Winelkam nga sa Christian world si Liana del A. Ramsay nicknamed Lili noong February 27.

Naganap ang binyag sa sanggol sa St. James the Great Parish.

Maiksi lang ang ipinost na caption ni Ellen sa kanyang Instagram page: “Lili’s baptism.”

May mga larawan din ng mga kandila bilang tradisyon sa binyagan.

Makikita lang ang bumbunan ni Baby Liana sa picture.

Earlier, balitang dumalo sa binyagan si Sjoo Pernilla, ang Siargao-based Swiss friend ng Ramsay couple.

Si Sjoo ang napabalitang third party sa relasyon nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Hindi malinaw kung may mga kinuhang ninong at ninang sina Ellen at Derek na taga-showbiz.

Matatandaang October 24 nang isilang ni Ellen ang pangarap na Year of the Dragon-born child. Ronnie Carrasco III