Manila, Philippines – Hindi pinalampas ng pangkat ni Ogie Diaz na makidalamhati kay Angel Locsin at mga kaanak nito sa lamay ng kanyang ama na si Ginoong Angel Colmenares.
Sa Heritage Park sa Taguig City ang wake kung saan dumalaw si Ogie kasama ang kanyang mga co-online hosts.
Nagkausap sila ng mag-asawang Angel at Neil Arce.
It was Angel who was at her dad’s bedside noong maospital ito.
Si Angel bale ang nangalaga sa ama until the latter breathed his last.
Sayang nga lang at hindi na-videohan ang pag-uusap ni Ogie at ng Arce couple.
Clueless tuloy ang mga curious netizens sa hitsura ngayon ni Angel.
Angel was last seen in public noon pang kasagsagan ng pandemya until she slipped into a self-imposed hiatus.
As we write this ay cremated na ang mga labi ni Ginoong Angel.
Laking gulat ng mga kaanak nito nang iabot sa kanila ang naka-ziplock na cremated remains ni Ginoong Angel.
Tinatayang aabot sa mahigit 50 ang green bones na nakuha sa inabong bangkay nito.
Kapaniwalaan sa Chinese, nangangahulugang isang mabuting tao ang namatay kapag nag-iwan ng green bones.
May scientific explanation naman dito: maaaring resulta ‘yon ng mga antibiotics na ininom ng maysakit bago namatay.
O, sa kaso ni Ginoong Angel ay posibleng resulta ‘yon ng titanium na ikinabit sa katawan nito.
Gayunpaman, namangha ang funeral parlor staff na first time makakita ng maraming green bones ng cremated remains
Batid naman ng Colmenares family ang kabutihan ng namaalam na patriarch. Ronnie Carrasco III