MANILA, Philippines – Mananatili pa rin umanong kandidato sa pagka-alkalde ng Davao City si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa kabila ng kanyang pagkakaresto kahapon, Marso 11 kung saan siya ay inilipad sa Netherlands matapos maglabas ng warrant of arrest ag International Criminal Court kaugnay sa kanyang war on drugs.
Sa Kapihan sa Manila bay forum, sinabi ni Comelec Commissoner Ermest Maceda na hindi maaaring idiskwalipika bilang kandidato si Duterte.
Ayon kay Maceda, walang dahilan para alisin ang dating pangulo bilang kandidato para sa May 12 elections.
Paliwanag pa ng komisyuner, maaalis lamang siya bilang kandidato kung siya mismo ang magwi-withdraw ng kanyang kandidatura
Wala rin umanong pending na disqualification complaint laban sa dating Pangulo.
Ayon pa kay Maceda, kung magawa lahat ng isang kandidato ang kwalipikasyon tulad ng oath of office para makapagsimula sa kanyang panunungkulan, kahit wala siya rito sa bansa ay maaaring ang kanyang bise ang magsisilbing aakto sa kanyang tungkulin.
“May provision sa temporary and permanent vacancies so in order to be considered as vacancy, pag hawak mo na saka nagkaroon ng vacancy — rule of vacancy applied,” ayon pa kay Maceda. Jocelyn Tabangcura-Domenden