MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang easterlies sa ilang bahagi ng Pilipinas sa Huwebes, ayon sa PAGASA.
Makakaranas ang Eastern Visayas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.
Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog, na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa sa matitinding pag-ulan.
Sa silangang bahagi ng bansa, makararanas ng katamtamang hangin mula silangan hanggang timog-silangan at katamtamang pag-alon sa baybayin.
Sa iba pang bahagi ng bansa, magaan hanggang katamtamang hangin mula silangan hanggang hilagang-silangan ang mararanasan, na may bahagyang hanggang katamtamang pag-alon sa baybayin. RNT