MANILA, Philippines – Inaasahan ang “danger level” na heat index sa apat na lugar sa Pilipinas sa Huwebes, Marso 13, 2025, ayon sa PAGASA.
Aabot sa 45°C ang temperatura sa Dagupan City, Pangasinan, habang posibleng umabot ng 42°C sa Virac, Catanduanes, at Cotabato City, Maguindanao.
Ang heat index ay sukatan ng nararamdamang init kapag isinama ang halumigmig sa aktuwal na temperatura. Itinuturing na delikado ang heat index na nasa pagitan ng 42°C at 51°C, na maaaring magdulot ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Sa Metro Manila, inaasahang aabot sa 40°C ang temperatura sa NAIA, Pasay City, at 38°C sa Science Garden, Quezon City. Bagamat sinabi ng PAGASA na maaaring hindi kasing-init ng 2024 ang tag-init ng 2025, pinapayuhan pa rin ang publiko na mag-ingat sa mataas na heat index. RNT