Home METRO P3.5M shabu at baril nasamsam sa tulak sa Pangasinan

P3.5M shabu at baril nasamsam sa tulak sa Pangasinan

URDANETA CITY, Pangasinan — Nasamsam ang nasa P3,570,000 na halaga ng shabu at isang .45 caliber na pistola sa isinagawang drug sting ­operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pangasinan (PDEA PANG) at PNP-Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 1 (PDEG-SOU 1) sa Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ni PDEA Region 1 Director, Joel B. Plaza ang suspek bilang si alias “Odi”, 57, at residente ng nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang anim na pirasong transparent plastic na may buhol na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 525 gramo, isang cal. 45 pistol na may loob ang holster, isang magazine assembly, pitong buhay na bala, isang mobile phone, tatlong mobile phone, iba’t ibang drug paraphernalia, limang bungkos ng hindi pa nagagamit na plastic sachets, isang brown sling bag, isang “Victoria’s Secret” paper bag, isang brown envelope, isang “Lazada” blue plastic, isang identification card, P2,000 cash sa iba’t ibang denominasyon, at ang buy-bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 12, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, pati na rin sa paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang suspek. REY VELASCO