Home NATIONWIDE Pagsuko ng pamahalaan kay Duterte sa Interpol suportado ng ilang civic groups

Pagsuko ng pamahalaan kay Duterte sa Interpol suportado ng ilang civic groups

Screengrab from GMA News

MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng suporta ang iba’t ibang civic at civil society organizations sa naging desisyon ng gobyerno ng Pilipinas na isuko si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ito’y dahil kumilos lang ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communcations Office Undersecretary Claire Castro ang pamahalan ng Pilipinas sa request ng International Criminal Police Organization’s (Interpol) na isilbi ang arrest warrant ng ICC laban kay Digong Duterte.

“The arrest of former president complied with the Philippines’ commitment with the Interpol. Our commitments received support from various civic and civil society organizations,” ang sinabi ni Castro.

Sa katunayan, tanggap ng human rights organization na Free Legal Assistance Group ang pag-aresto kay Digong Duterte. Para sa kanila, mahalagang hakbang ito tungo sa pagtiyak na may mananagot para sa extrajudicial killings na nangyari sa ilalim ng kanyang administrasyon na may kauganyan sa kanyang drug war.

Maging si dating senator Leila de Lima, isa sa mga kritiko ni Duterte noong kanyang administrasyon ay naniniwala na ang naging hakbang ng pamahalan ay hindi para maghiganti kundi tungkol sa “justice finally taking its course.”

Si De Lima, nabilanggo halos 7 taon para sa di umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga ay nagpahayag na ito na ang tamang oras para kay Duterte na “answer for his actions, not in the court of public opinion but before the rule of law.”

Tinukoy ni Castro ang sinabi ni Bryony Lau, deputy Asia Director at Human Rights Watch, na nagsabi na ang pag-aresto at paglipat kay Duterte sa The Hague ay “a long-overdue victory against impunity that could bring victims and their families a step closer to justice.”

Sa kabilang dako, binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pangangailangan na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng pamilya ng mga biktima ng drug war kasunod ng pag-aresto kay Digong Duterte.

Sinabi ng CHR na ang “pursuit of justice cannot be stalled and the truth cannot be silenced” sabay sabing “accountability must prevail over impunity.”

Winika pa ni Castro na hangad ng gobyerno na maintndihan ng publiko ang naging hakbang ng pamahalaan, binigyang din na mas makabubuti para sa mga ito na malaman kung paano ito nagsimula, bakit mayroong arrest warrant, at bakit mayroong pangangailangan na kilalanin ang commitment ng bansa sa Interpol.

“Dapat ‘yun po sana ang masimulan sa taumbayan para maintindihan nila kung bakit kinakailangan po na mangyari ang ganito, bakit kinakailangan din pong magcomply sa ating commitment sa Interpol,” ang sinabi nito.

“Sa aking palagay, kapag naintindihan nila itong lahat, magiging positibo naman po ang tanaw nila sa ginawa po ng administrasyon,” aniya pa rin. Kris Jose