Home NATIONWIDE Pangilinan: Parusa ng China kay Teodoro, insulto sa Pilipinas

Pangilinan: Parusa ng China kay Teodoro, insulto sa Pilipinas

1
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni Senador Francis Pangilinan na isang insulto sa Pilipinas at paglala ng panggigipit ng China ang ipinataw na sanctions laban kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea.

Nanawagan din si Pangilinan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magsampa ng pormal na protesta laban sa hakbang ng China, na nagbabawal kay Teodoro at sa kanyang pamilya na makapasok sa mainland China, Hong Kong, at Macau.

“By imposing sanctions on the Philippine Secretary of National Defense, China is striking at the sovereign decisions of the Republic of the Philippines,” ayon kay Pangilinan

Dagdag pa niya na ang mga pahayag ni Teodoro ay sumasalamin sa opisyal na polisiya ng Pilipinas.

“Punishing him and his family for doing so is a direct affront not only to him, but to the President, the Philippine state, and our constitutional order.”

Sinabi rin ng senador na ang hakbang ng China ay isang “clear escalation” laban sa Pilipinas, na pinili umanong dumaan sa legal at mapayapang paraan, kabilang ang 2016 Arbitral Award, upang igiit ang mga karapatan nito sa West Philippine Sea.

Samantala, iginiit ng China na si Teodoro ay paulit-ulit na gumawa ng mga umano’y “irresponsible remarks” laban sa bansa at nakasama sa relasyon ng dalawang panig, kaya ipinataw ang sanctions upang protektahan ang kanilang soberanya at seguridad.

Para kay Pangilinan, dapat maghain ng pormal na diplomatic protest ang DFA.

“By sanctioning a sitting Cabinet member for defending an arbitral ruling and asserting rights guaranteed under international law, China diminishes its own standing in the community of nations.”

Samantala, sinabi rin ni Leila de Lima na hindi dapat balewalain ng pamahalaan ang sanctions laban kay Teodoro at dapat itong ituring na isang pambansang usapin.

Nanawagan siya ng mas matatag na tugon laban sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea at binanggit ang naunang resolusyon ng Liberal Party at WPS bloc sa Kamara na humihiling ng mas matapang na diplomatikong hakbang laban sa China.

“Ngayon, China pa ang may ganang pagbawalan ang ating opisyal na makapasok sa kanila.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here