Home HOME BANNER STORY 4,476 hired on the spot sa Independence Day job fairs

4,476 hired on the spot sa Independence Day job fairs

1
0

MANILA, Philippines – Umabot sa 4,476 job seekers ang hired on the spot (HOTS) sa mga DOLE TRABAHO AGAD Job Fairs na isinagawa sa buong bansa noong Hunyo 12 bilang pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, mas mataas ito kumpara sa mga naitalang HOTS noong 2022 (3,665), 2023 (3,422), 2024 (3,651), at 2025 (3,722).

Kabilang sa mga agad na natanggap sa trabaho ang mga production operator, service crew, cashier, sales associate, bagger, guro, packager, customer service representative, clerk, at store clerk.

Isinagawa ang job fair sa 61 lugar sa buong bansa, kung saan direktang pinagtagpo ang mga employer at aplikante upang mapabilis ang pagkuha ng trabaho.

Nakatulong din ang programa sa iba’t ibang sektor tulad ng senior high school graduates, mga benepisyaryo ng 4Ps, katutubo, repatriated OFWs, at persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng hanapbuhay.

 

Tinawag ni Tolentino na isang “massive success” ang job fair at sinabi na patunay ito ng pinaigting na programa ng DOLE para sa paglikha ng trabaho at pagpapalawak ng oportunidad sa mga Pilipino.

Pinasalamatan din niya ang mga DOLE regional offices, Public Employment Service Offices (PESOs), Social Security System (SSS), PhilHealth, at iba pang katuwang na ahensya sa matagumpay na pagsasagawa ng programa. RNT/MND/Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here