Home NATIONWIDE Anak, pamangkin ginulpi sa Bora; Sen Jinggoy nagsampa ng kaso

Anak, pamangkin ginulpi sa Bora; Sen Jinggoy nagsampa ng kaso

232
0

MANILA, Philippines – Kinasuhan ni Senator Jinggoy Estrada ang tatlong indibidwal na umano’y nambugbog sa kanyang anak na si Julian Estrada, 29, at pamangkin nitong si Jefferelly Vitug, 24, habang nagbabakasyon sa Boracay, Aklan kamakailan.

Kaagad na lumipad si Estrada patungong Boracay upang personal na tugunan ang insidente at matulungan ang kanyang anak at pamangkin.

Nagkaroon ng head injury si Julian at nasugatan sa kuko sa paa, habang nasugatan naman sa ilong si Jefferelly.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, naglalakad ang magpinsan mula sa OM Bar patungong D’Mall nang sundan at bigla na lamang silang atakihin ng tatlong lalaki.

Ayon sa pulisya, isa sa mga suspek, na hindi muna pinangalanan, ay lumapit kay Jefferelly at sinabing:

“Masyado kang mayabang sa bar,” bago siya suntukin. Nang tangkain ni Julian na mamagitan, kinuyog naman siya ng mga suspek.

Agad na dinala ang mga biktima sa Ciriaco S. Tirol Hospital.

Sa imbestigasyon, natuklasan na ang mga suspek ay may edad 18 at 19 at parehong residente ng Barangay Manoc-Manoc, Boracay.

“It’s unfortunate that their vacation in Boracay was marred by an act of violence,” pahayag ni Estrada.

“While charges have already been filed against the suspects, I trust that the proper authorities will investigate this case thoroughly and ensure that justice is served,” dagdag niya.

“No parent or relative ever wants to hear that their loved ones have been victims of such a senseless act in a place that should be a friendly community and a source of relaxation,” giit pa ng senador.

“My family and I are grateful that our loved ones are safe now, but we hope incidents like this serve as a reminder of the need to create a safer environment for everyone,” pagtatapos niya. —Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here