Home METRO Anak patay sa saksak ng ama

Anak patay sa saksak ng ama

MANILA, Philippines – Nauwi sa pagpatay ang argumento ng mag-ama sa Cebu.

Nasawi ang panganay na anak ng Ugbaniel family mula Barangay Sta. Cruz, Ronda, ng nasabing probinsya.

Sa ulat, pinatay sa saksak ng mismong amang si Moises, ang kanyang 29-anyos na anak na si Michael Ugbaniel, kasabay ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa ina ng biktima na si Rosalia, nagtatalo ang dalawa dahil sa pera na gagamitin pambayad ng utang, bandang alas-7 ng umaga nitong Biyernes, Nobyembre 1.

Nang mas tumindi pa ang tension ay kumuha ng kalapit na bolo si Michael para sana takutin ang ama na may tendency umanong maging marahas kapag nagagalit.

Dito na nag-init ang ulo ni Moises at kumuha ng kutsilyo mula sa kabilang kwarto.

Kalaunan ay pinagsasaksak ni Moises ang anak na si Michael na sinubukang tumakbo paalis ng bahay.

Nagmakaawa si Rosalia sa asawa ngunit maging siya ay sinubukan umanong saksakin.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Moises. Narekober naman ang kutsilyo na ginamit nito sa krimen.

Inihahanda na ang kasong parricide laban sa amang suspek. RNT/JGC