Home NATIONWIDE Andas mas pinatibay – Quiapo Church

Andas mas pinatibay – Quiapo Church

MANILA, Philippines- Mas pinatibay pa ang andas ng Poong Hesus Nazareno para sa Traslacion 2025 kung saan ginawa na itong sunproof, sinabi ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.

Sinabi ni Fr. Robert Arellano, tagapagsalita ng Quiapo Church, na ang kapistahan ngayon ng Jesus Nazareno na makikita na ng mga deboto mula ang imahe sa prusisyon nang hindi ito nagpapawis ang salamin o nagmo-moist.

Ito ay gawa sa tempered glass para pumasok din ang natural na liwanag ng Mahal na Poong Hesus Nazareno upang makita ng mga deboto ang imahe mula sa mga establisimyento.

Sinabi rin ni Fr. Arellano na mas lalong pinagtibay ang stainless metal na nakikita sa andas gayundin sa gulong ng andas.

Umaasa naman ang pari na ang prusisyon ngayong taon ay mas mabilis at magiging maayos dahil ito ay ipagdiriwang na sa buong bansa.

Pinaalalahanan din ng simbahan ang mga deboto na sumunod sa mga patakaran at regulasyon sa pagsasagawa ng Traslacion.

Bilang bahagi ng security measures,sa pagdiriwang ng Kapistahan, magpapatupad ng liquor at gun ban sa paligid ng Quiapo. Jocelyn Tabangcura-Domenden