Home METRO Bangkay ng chief engineer ng lumubog na barko narekober ng PCG

Bangkay ng chief engineer ng lumubog na barko narekober ng PCG

MANILA, Philippines- Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) Eastern Visayas na narekober na ang bagkay ng 63-anyos na Chief Engineer ng lumubog na cargo vessel MV Jerly Khatness noong Enero 3, 2025.

Natagpuan ang bangkay sa kahabaan ng baybayin ng Barangay Magcaraguit, Dimasalang, Masbate.

Si Andres Bulanon na tubong Tubigon, Bohol ay iniulat na nawawala matapos ang insidente.

Iniulat naman ang pagkakarekober kay Bulanon ni Barangay Kagawad Nilo Amor na agad itong itnawag sa Dimasalang Municipal Police Station (MPS) kung saan natagpuang nakatali sa upuan na kahoy, nakasuot ng grey shorts na may markang “seaman” na tampok ang anchor at propeller logo.

Agad na dinala sa punerarya ang bangkay ng opisyal dahil ito ay nasa state of decomposition na at masangsang na ang amoy, base na rin sa rekomendasyon ng Dimasalang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa sanitary measures.

Patuloy ang CGDEV sa kanilang pagsisikap upang tugunan ang maritime safety at maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden