Home NATIONWIDE DMW, DFA nakikipag-ugnayan sa Kuwait authorities sa imbestigasyon sa pinaslang na OFW

DMW, DFA nakikipag-ugnayan sa Kuwait authorities sa imbestigasyon sa pinaslang na OFW

MANILA, Philippines- Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa Kuwaiti authorities para imbestigahan ang pagkamatay ng Filipino domestic worker na si Dafnie Nacalaban.

Sa Facebook post, sinabi ng DMW na nagpahayag si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ng kanyang pakikiramay sa pamilya ni Nacalaban, isang OFW na nagtatrabaho bilang husehold service worker sa Kuwait simula Disyembre 2019.

Iniulat na nawawala si Nacalaban ng kanyang pangalawang employer noong Oktubre 2024.

Kalaunan, natagpuan ang kanyang katawan sa bahay ng isang Kuwaiti, dalawang buwan matapos iulat ng kanyang employer.

Kinumpirma ng DMW na tinutulungan na ang pamilya ng OFW kasama ang pagsasaayos sa repatriation ng kanyang labi sa Pilipinas.

Ayon kay Cacdac, ang repatriation process ay uusad sa sandaling matapos ng Kuwaiti authorities ang kanilang imbestigasyon.

Samantala, bilang tugon sa insidente, hinimok ni Senator Win Gatchalian ang DMW at DFA na palakasin ang protection mecahnism para sa OFWs at silipin ang umiiral na bilateral labor agreements sa mga bansa kung saan partikular na vulnerable ang migrant workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden