Home ENTERTAINMENT Sunshine, kakaiba ang aura, hiyang kay Atong!

Sunshine, kakaiba ang aura, hiyang kay Atong!

Manila, Philippines- Walang mag-iisip na 47 anyos na at may tatlong dalagang anak si Sunshine Cruz.

Why? It’s all because the actress looks it.

“Bampira” nga ngayon ang tawag sa kanya na hindi tumatanda.

Marami ang nagsasabing dala ‘yon ng pagiging hiyang ng aktres sa nobyong si Atong Ang.

Her positive aura radiates!

Bagama’t nasiwalat na ang kanilang relasyon, makahulugang ngiti lang ang laging sagot ni Sunshine pag inuusisa siya tungkol sa kanyang pribadong buhay.

Obyus na bagama’t pareho silang public figures ni Atong, they want their private lives private–as much as possible.

Ang maganda sa Sunshine-Atong romance, the public generally approves of it.

Wala ka ngang matitisod na negative o mean comments tungkol sa kanilang relasyon.

Nakadagdag pa ang basbas ng dating asawa ng aktres na si Cesar Montano–and for sure, ng kanilang tatlong anak.

Wonder kung ano ang reaksyon ni Macky Mathay na anim na taon ding naging nobyo ni Sunshine? Ronnie Carrasco III