Home HOME BANNER STORY Andas nasa Arlegui na; debotong nakiisa sa Traslacion 2024 nasa 1M na

Andas nasa Arlegui na; debotong nakiisa sa Traslacion 2024 nasa 1M na

MANILA, Philippines – Lalo pang dumarami ang mga deboto na nakilahok sa prusisyon sa Pista ng Black Nazarene.

Base sa monitoring ng Quiapo Church Command Post, pumalo na sa 1,008,000 milyon ang sumama sa prusisyon ngayong Enero 9 mula alas 8 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga.

 

Nasa 60,500 deboto naman ang crowd estimate sa SImbahan ng Quiapo kasama na ang mga nasa Plaza Miranda, Quezon Boulevard kung saan nakapwesto ang iba pang deboto na hindi makapasok sa loob ng Simbahan.

Sa mga oras na ito ay nasa kasalukuyan pa ring tinatahak ng Andas ang maliliit na eskinita ng Arlegui St.

Ayon kay Col Leandro Gutierrez ,ang hepe ng Palaza Miranda na mas mabilis ngayon ang usad ng prusisyon at inaasahang nakakapasok na ang Andas bandang hapon.

“Kung ganyan ang galaw, posibleng hapon pa lang nandito na [Quiapo Church] –hindi na abutin pa ng gabi”, pahayag ni Gutierrez.

Muli naman siyang nagpaalala sa mga deboto na huwag nang magdala pa ng mga ipinagbabawal upang hindi na maabala pa sa kanilang pagsisimba. Jocelyn Tabangcura-Domenden