Home METRO Andas nasa Concepcion Aguila Street na

Andas nasa Concepcion Aguila Street na

MANILA, Philippines- Halos okupado na rin ng mga deboto ang buong paligid ng Simbahan ng Quiapo para sa mga dumalo ng tuloy-tuloy na misa at nag-aabang sa pagbabalik sa dambana ng Poong Hesus Nazareno.

Pasado alas-4 ng hapon, ang Andas ay nasa Concepcion Aguila Street na kung saan napakipot ng daan kaya dikitan na ang mga tao at deboto habang sinusundan ang Andas.

Pagkatapos sa Concepcion Aquila Street ay hihinto ang Poong Hesus Nazareno sa tapat ng San Sebastina Church para sa “Padungaw” kay Birheng Maria.

Sa mga nadaraang mga gusali sa mga makikipot na daan sa Quiapo, nagbubuhos na ng tubig ang mga nakatira sa mga mataas na gusali upang kahit paano ay mapreskuhan ang mga deboto at hijos na maghapon nang paglalakad at sobrang pagod. Jocelyn Tabangcura-Domenden