Home METRO Desisyon sa petisyong dagdag-pamasahe sa LRT1 ipalalabas sa loob ng 30 araw...

Desisyon sa petisyong dagdag-pamasahe sa LRT1 ipalalabas sa loob ng 30 araw – DOTr

MANILA, Philippines- Nakatakdang desisyunan ng Department of Transportation (DOTr) Rail Regulatory (RRU) ang petisyon na inihain ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) upang taasan ang pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT1).

Nagsagawa ng public hearing ang DOTr-RRU nitong Huwebes, Enero 9, 2025 sa Light Rail Transit Authoerity (LRTA) headquartes sa Pasay City upang marinig ang mga komento ng iba’t ibang stakeholders kaugnay sa petisyon ng LRMC.

Kapag naaprubahan ang petisyon ay magiging P60 na ang maximum fare ng single journey na dating P45 lamang.

Sinabi ni Trasportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino na ang maximum na 30 araw mula sa araw ng public hearing ay susuriin at dedesisyunan ang fare hike petition.

Sinabi ni Aquino na isasaalang-alang ng ahensya ang parehong apela ng petitioner at ang mga komento na ipinalabas ng iba’t ibang grupo sa panahon ng pampublikong pagdinig.

Sinabi ng LRMC na kung maisasaayos ang pamasahe sa LRT1, maiiwasan ng pambansang pamahalaan ang pagbabayad ng karagdagang deficit sa pamasahe na magbibigay-daan sa kanila na ilaan ang kaukulang pondo sa iba pang prayoridad na proyekto ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden