MANILA, Philippines- Dalawang sunog ang sumiklab sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno sa San Andres, Maynila nitong Huwebes.
Unang sumiklab ang sunog sa two-storey residential sa San Francisco Street sa San Andres Bukid alas-10:53 ng umaga at umabot sa ikatlong alarma.
Ayon sa BFP, isang bahay ang tinupok ng apoy kung saan sugatan ang may-ari ng bahay na si Aival Abiva matapos magtamo ng lapnos sa parehong paa.
Idineklara ang fire out ng alas-11:50 ng umaga.
Umabot sa P1.2 milyon ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy sa unang sunog.
Makalipas ang ilang oras, sumunod namang sumiklab ang sunog sa isa pa ring residential area sa Concha St., Dagonoy San Andres Bukid, bahagi pa rin ng lungsod ng Maynila.
Sa impormasyon, umabot na rin sa ikatlong alarma ang sunog sinisikap pa ring apulahin ng fire volunteers.
Bagama’t may ilang kalsada na sarado dahil na rin sa nagaganap na Traslacion, maagap pa rin ang mga bumbero na tumugon sa mga ganitong sitwasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden