Home METRO ‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand tapos na

‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand tapos na

MANILA, Philippines- Tapos na ang “Pahalik” o “Pagpupugay” para sa imahe ng Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand sa Manila, ayon sa Quiapo Church nitong Huwebes.

Sa update, inihayag ng simbahan na tinapos ang aktibidad ng alas-12 ng tanghali.

Nitong Lunes ng umaga, nagtungo ang mga deboto sa Quirino Grandstand sa pagsisimula ng “Pahalik” o “Pagpupugay.”

Umabot ang crowd para sa Pahalik sa 22,327 nitong Miyerkules ng umaga, base sa Quiapo Church.

Samantala, gumugulong pa rin ang Traslacion o prusisyon ng imahe ng Jesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Nagsimula ito ng alas-4:41 ang madaling araw nitong Huwebes, January 9, o Kapistahan ng Jesus Nazareno. RNT/SA