Manila, Philippines – Nagsampa na ng kaso kaninang umaga, January 9, sa Muntinlupa RTC ang seasoned actor-host na si Vic Sotto.
19 counts ito ng cyberlibel laban sa ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ director na si Darryl Yap, damay na rin ang film company niya na Vincentiments.
20 million pesos naman in damages ang hinihinging compensation ng kampo ni Vic.
Umalis agad ang Eat Bulaga host at ang kanyang misis na si Pauleen Luna pero nagpaunlak din naman ng short interview sa press.
“Ako’y laban sa mga iresponsableng tao, lalo na sa social media,” sey ni Vic.
Wala raw itong personalan at naniniwala naman siya sa ating justice system.
Naiwan ang abogado nila na si Enrique Dela Cruz ng Divina Law na nagpaliwanag na naging threat to safety umano ang teaser ng pelikula na umabot ng mahigit 15 million views across different social media platforms.
Nakaka-recieve daw ng rape threats si Pauleen at ang anak naman nila na si Tali ay binu-bully ng senior students.
Ang unang pagdinig ng kaso ay gaganapin sa January 15.
Samantala, naaprubahan na rin ang writ of habeas data na finayl ng kampo ni Vic noong January 7 sa Muntinlupa RTC Branch 205.
Ibig sabihin, bawal na ipost o i-share ang anuman tungkol sa pelikula or else, pwedeng maparusahan ng korte ang sinumang lalabag nito, hindi lang si Darryl.
Samantala, tila walang pake ang controversial director at nagpost pa ng “Pepsi goes back to court” sa kanyang Facebook account kalakip ang imahe ng pagpa-file ng kaso ng kabilang kampo. Trixie Dauz