Home METRO Mastermind sa Eastman kidnapping nasakote! 

Mastermind sa Eastman kidnapping nasakote! 

ZAMBOANGA CITY- Nadakip ng mga pulis nitong Lunes ang umano’y mastermind sa pagdukoit sa Amerikanong si Elliot Eastman noong Oct. 17. 

Kinilala ang suspek na si Jackaira Jamaani, 35, mula Sibuco municipality, Zamboanga Sibugay. 

Naaresto siya sa bisa ng warrant para sa kidnapping at serious illegal detention sa karagatan sa pagitan ng Basilan Strait at Zamboanga City. 

Ipinalabas ang warrant ni Judge Anthony Isaw, acting presiding judge, Regional Trial Court Branch 27, Siocon, Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Police Regional Office-9 spokesperson Police Lt. Col. Ramoncelio Sawan na nahaharap si Jamaani sa kasong kidnapping at serious illegal detention na walang inirekomendang piyansa.

Dinala na ang suspek sa Sibuco Municipal Police Station para sa booking procedures. RNT/SA