Home ENTERTAINMENT Andi at Philmar, nag-unfollow sa IG, may problema?

Andi at Philmar, nag-unfollow sa IG, may problema?

Manila, Philippines – Ikinaiintriga ng mga netizens ang ilang cryptic posts ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram account.

Pagkatapos kasi ng mga makahulugang posts, natuklasan ng mga stalkers na in-unfollow na ni Andi at ng kanyang partner na si Philmar Alipayo ang isa’t isa.

Nakumpirma ng mga netizens na hindi na pina-follow ni Andi si “chepoxz,” ang user name ni Philmar.

Hindi na rin pina-follow ni Philmar si “andieigengirl,” handle na gamit naman ni Andi.

Bago rito’y nakaagaw ng atensyon ang ilang cryptic posts ni Andi.

Nauna muna niyang ipinost ang guhit na obyus ay mukhang ahas na may nakasulat na 2025.

Ang 2025 ay Year of the Snake sa Chinese astrology.

Sinundan ito ni Andi ng pareho ring art card, pero may kalakip na itong maliit na caption.

The caption reads: “I just found out it’s the year of the snake, I thought it was the wolf in sheep’s clothing.”

Sa bandang ibaba ng naturang art card ay may nakasulat na: “Zodiac: The Snake.”

It triggered an exchange of communication among eager netizens trying to figure out kung bakit ganoon ang mga posts ni Andi.

Lalo pang tumibay ang sapantaha ng mga nag-uusisang netizens na may pinagdadaanan ang couple.

Knowing Andi who speaks her mind, tiyak na siya rin ang sasagot ng nagging question ng mga netizens as to the status of her relationship with Philmar.

Abangan! Ronnie Carrasco III