Home METRO Residential area sa Baclaran nasunog

Residential area sa Baclaran nasunog

MANILA, Philippines- Nagliyab ang residential area sa Baclaran, Parañaque City nitong Sabado ng umaga.

Ang apektadong lugar ay corner ng Mactan at Opena Streets, katabi lamang ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help o Baclaran Church, base sa ulat.

Nagsimula ang sunog lampas alas-9 ng umaga sa mga kabahayang gawa sa light materials.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection ang first alarm.

Naapula ng mga bumbero ang sunog ng alas-10:02 ng umaga.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Nagsasagawa pa rin ang arson investigators ng imbestigasyon upang matukoy ang mitsa ng sunog. RNT/SA