KIDAPAWAN CITY- Patay ang isang 13-anyos na estudyante matapos mahulog mula sa ika-apat na palapag ng Kidapawan City National High School, kahapon ng umaga sa lungsod na ito.
Hindi na naisalba pa ng mga doktor ang buhay ni John Lloyd Bedua, junior high school dahil sa mga tinamong bali nito sa likod at paa.
Batay sa report ng paaralan, nagsasagawa sila ng flag raising ceremony nang bigla na lamang silang nagulat sa pagbagsak ng biktima mula sa 4th floor.
Base sa kuha sa CCTV wala naman nakitang foul play sa nasabing insidente.
Ipinagkatiwala na rin ng pamunuan ng paaralan ang imbestigasyon sa pulisya. Mary Anne Sapico