Home METRO 23 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

23 volcanic quakes naitala sa Bulkang Kanlaon

MANILA, Philippines- Nakapagtala sa bulkang Kanlaon sa Negros ang 23 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nagbuga rin ang bulkan ng 4,186 tonnes ng sulfur dioxide nitong Biyernes, base sa PHIVOLCS nitong Sabado.

Naobserbahan naman ang moderate plumes na may taas na 75 metro, na nagtungo sa southwest direction.

Nananatili sa Alert Level 3 (Intensified Unrest/Magmatic Unrest) ang bulkang Kanlaon  na matatandaang pumutok noong December 9, dahilan upang itaas ng PHIVOLCS ang alert level mula 2 sa 3.

Nadeklara ang lalawigan ng Negros Oriental ng state of calamity dahil sa pagputok ng Kanlaon Volcano. RNT/SA