Home HOME BANNER STORY Buhay ng 32% Pinoy bumuti – sarbey

Buhay ng 32% Pinoy bumuti – sarbey

MANILA, Philippines- Lumabas sa survey kamakailan ng Stratbase and Social Weather Stations (SWS) na 32 porsyento ng mga Pilipino ang nakaramdam ng pagbuti ng kalidad ng kanilang buhay kumpara sa nakalipas na 12 buwan (tinatawag na gainers), habang 25 porsyento ang nagsabing lumala ito (losers.)

May kabuuang 43 porsyento naman ang nagsabing walang nagbago kumpara sa nakalipas na isang taon.

Isinagawa ang pre-election survey sa kalidad ng buhay mula January 17 hanggang 20, 2025, gamit ang face-to-face interviews sa 1,800 registered voters sa buong bansa: 300 sa Metro Manila, 900 sa Balance Luzon (o  Luzon sa labas ng Metro Manila), 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.

Ang sampling error margins ay ±2.31% para sa national percentages, ±5.66% para sa Metro Manila, ±3.27% para sa Balance Luzon, at tig-±5.66% para sa Visayas at Mindanao.

Ang tanong sa survey ay: “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay MAS MABUTI KAYSA NOON, KAPAREHO NG DATI, o MAS MASAMA KAYSA NOON?” RNT/SA