Home ENTERTAINMENT Andi at Philmar, nagpa-tattoo, nang-urot!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Andi at Philmar, nagpa-tattoo, nang-urot!February 24, 2025 18:33 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Siargao, Philippines – Makahulugan ang sabay na pagpapa-tattoo ng engaged couple na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.Of all island activities na puwede nilang gawin ay bakit ang magpalagay pa ng body art?Mapapanood sa video sa Instagram page ng Island Tattoo Piercing Studio sa Siargao ang on-the-spot na pagpapa-tattoo ng magkarelasyon.Hindi nga lang malinaw kung anong tattoo ‘yon.The couple came to the studio with their kids Lilo and Koa in time who seemed to enjoy their family’s bonding time.Marami tuloy ang nag-react sa naturang video.Walang duda raw na pang-uurot ‘yon sa Swiss friend nilang si Pernilla Sjoo.Matatandaang lumikha ng ingay ang umano’y pagtataksil ni Philmar kay Andi as shown in the matching tattoos ng una at ni Pernilla.“224” ang ipina-tattoo nila na ang ibig sabihi’y “today, tomorrow, forever.”Kinalaunan ay nagkaayos din sina Andi at Philmar.Back to being sweet ang surfing champ noong Valentine’s Day.Ang tanong–may epekto pa ba kay Pernilla ang pagpapa-tattoo ng engaged couple? Ronnie Carrasco III