Home ENTERTAINMENT Netizen, pinagdudahan si Derek sa anak nila ni Ellen!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Netizen, pinagdudahan si Derek sa anak nila ni Ellen!February 24, 2025 18:33 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Cool. Funny.Ganito lang kakaswal ang reaksyon ni Derek Ramsay sa netizen na dudang siya ang ama ni Baby Lily.Si Baby Lily ang anak nila ng misis na si Ellen Adarna.October 2024 when Ellen gave birth to their child, na swerteng umabot sa Year of the Dragon tulad ng kanyang minimithi.Gayunpaman, may naligaw pa ring ‘cynic’- ang netizen ngang ipinagpipilitang hindi ang Fil-British actor ang ama.Ayon sa netizen, lumabas daw ang resulta sa DNA test.Ngunit sa halip na magalit, mapikon o pagsalitaan ng mga maaanghang na salita ang netizen ay idinaan ni Derek sa patawa ang kanyang reaksyon.“You got a copy of the result of the DNA test? Kaya pala hindi nakarating sa akin!” ani Derek.Matatandaang walang gaanong fanfare ang pagsisilang ni Ellen ng kanilang anak.Maging ang panahon ng pagbubuntis nito’y hindi masyadong na-publicize.Inamin ni Ellen na wala siyang balak na magdaos ng gender reveal para sa bata, neither did she plan to host a baby shower.Ellen mothers Modesto, her son by John Lloyd Cruz.May anak din si Derek from a previous relationship. Ronnie Carrasco III