Home NATIONWIDE Mga akusado sa pagdukot, pagpatay sa babaeng Korean hinatulan na

Mga akusado sa pagdukot, pagpatay sa babaeng Korean hinatulan na

MANILA, Philippines – Hinatulan ng “guilty beyond reasonable dount” ang limang akusado at isang kasabwat sa kidnapping for ransom at homicide sa isang babaeng Korean national matapos ang mahigit isang dekada.

Ang limang akusado na kinilalang sina Ronel Mongado, Rowel Mongado, Alex Buenaobra, Jimmy Manlapaz, at Sergio Natad ay sinintensyahan ng reclusion perpetua nang walang kaukulang piyansa.

Inatasan din ang mga ito na magbayad ng P300,000 kabuuang halaga ng danyos sa mga naulila ng biktimang si Ji Won Lee.

Samantala, ang isang kasabwat namang si Jullie-Ann Traboco ay nasintensyahan ng lima hanggang siyam na taong pagkakabilanggo.

Lahat naman ng naulila ni Ji ay pinababayaran dito ng P12,500 bawat isa.

Naglabas din ang Manila Regional Trial Court Branch 44 ng warrant of arrest laban sa dalawa pang akusado na sina Rene Natad at alyas “Parks” na patuloy pa ring pinaghahanap.

Taong 2014 nang ma-kidnap si Ji ng mga akusado kapalit ng P10 milyon na kalauna’y binabaan hanggang P3 milyon.

Aabot sa P17,000 ang naibigay ng kapatid nito pero sa kasamaang palad ay kamatayan din ang sinapit ni Ji sa kamay ng kanyang kidnappers.

Pinuri naman ni Justice Secretary Crispin Remulla ang mga piskal na nagsumikap para mabigyan ng hustisya ang krimeng dinanas ng biktimang Korean. Teresa Tavares