Home NATIONWIDE Cellphone technician dinampot sa pagpatay sa Maynila

Cellphone technician dinampot sa pagpatay sa Maynila

MANILA, Philippines – Dinampot ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station 13 ang isang 35 anyos na cellphone technician dahil sa kasong pagpatay nang matunton ang kanyang kinaroroonan sa Carriedo St, near corner P. Gomez St, Quiapo, Manila.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Marco Macabalang, tubong Marawi at residente sa Pier 15 Brgy. 650 Port Area, Manila.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay kabilang sa Top 5 Most Wanted Person (Station Level) sa kasong pagpatay.

Ayon sa MPD, bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Samina Sampaco Macabando-Usman, ang presiding judge ng RTC Branch 8 ng Marawi City, Lanao del Sur laban sa suspek sa pangunguna ni PLt. Armando Dela Cruz.

Kasalukuyang nasa detenion facility ng MPD-Sattion 13 ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden