Home ENTERTAINMENT Andi, pumiyok sa ‘pakikipaglandian’ ng jowa!

Andi, pumiyok sa ‘pakikipaglandian’ ng jowa!

Manila, Philippines – Sinasabi na nga ba’t hindi palalampasin ni Andi Eigenmann ang isyung sangkot ang kanyang partner na si Philmar Alipayo.

As already circulating on social media, viral ang video kung saan makikitang may kausap na babae si Philmar.

May user name na Habibi Main ang nag-upload nito.

The video was later traced to a certain Krishal King na isang businesswoman.

Mapapansing tila nagpi-flirt ang babae.

Nang kuyugin ng mga netizens na lubayan si Philmar dahil tahimik silang nagsasama ni Andi’y pumalag si Habibi.

Huwag daw gawan ng isyu ang viral video na ‘yon.

Wala rin daw siya sa kalingkingan ng ganda ni Andi.

Nitong May 27, nagbigay na ng reaksyon si Andi.

In her Instagram Stories, nilinaw ni Andi na malayang makipag-usap si Philmar sa ibang babae.

Kahit daw ang pakikipagbarkada at pakikipag-inuman every once in a while ay hindi niya ipinagbabawal.

Kasama na rin daw nito ang pakikipag-chat.

Sa halip, ang itinuturing na “shameful” ni Andi ay ang ginawa ng taong nag-edit ng video na ‘yon na ang hangarin “is to disturb their peace and drag them to negativity for social media attention.”

Andi’s response hoped to put to rest speculations that Philmar is cheating on her, na sinamantala naman ng ibang babae.

For the longest time, masaya nang naka-base ang couple sa Siargao kasama ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa. Ronnie Carrasco III