Siargao, Philippines – Natuyot at nalosyang? Dalawang salitang ginamit ng isang netizen para ilarawan si Andi Eigenmann mula nang manirahan siya sa Siargao kasama ang kanyang partner at mga anak.
Sabi raw ng ilan, nawawala na ang dating glamorosang awra ni Andi na kilala noong siya’y aktibo pa sa showbiz—parang pinabayaan na raw niya ang kanyang sarili.
Kilala ang Siargao bilang surfing capital of the Philippines. Tulad ng kanyang partner na si Philmar Alipayo, natutunan ni Andi ang pag-enjoy sa surfing, pati na rin ang kanilang mga anak.
Dahil sa araw at dagat, napansin ang nagbago niyang kutis — hindi na gaanong kumikinang o glamoroso, kundi parang pangkaraniwang island girl na lang.
Hindi mo nga iisipin na dati siyang artista.
Pero hindi ito pinapayagan ni Andi na basta-basta lang ipahiya siya.
Sa halip, ipinakita niya sa kanyang mga social media posts ang mga produktong ginagamit niya para protektahan ang kanyang mukha, katawan, at maging buhok mula sa init ng araw.
Paliwanag niya: hindi ito tungkol sa init ng araw, kundi sa tamang pag-aalaga at proteksyon ng balat.
Nakatagpo siya ng mga tagasuporta na naniniwalang maganda pa rin siya, at tunay na pinapahalagahan ang kanyang simpleng lifestyle.
Kung tutuusin, lifestyle lang ang nagbago kay Andi — mas pinili niyang mamuhay nang payak, simple, at tahimik kasama ang kanyang pamilya.
Si Andi ay isang buhay na patunay na ang masayang buhay ay hindi nasusukat sa karangyaan.