Manila, Philippines – Posibleng politics ay hindi talaga “cup of tea” ni Luis Manzano.
Bagama’t unang sabak pa lang niya sa local politics, sino ba ang nakakaalam, baka magtagumpay siya sa susunod niyang attempt?
Pero kung hindi man pinalad ang ama nitong si Edu Manzano na makita si Luis na tuluyang pumasok sa pulitika, mukhang may pambawi ang aktor—sa kanyang anak na si Enzo.
Ibinida ni Edu ang achievement ni Enzo na nagtapos ng master’s degree in Public Administration mula sa—hold your breath—New York University (NYU).
Siniguro ni Edu na naroroon siya sa graduation day ng anak.
Inilarawan niya ang araw na iyon bilang isang amazing day, kung saan puring-puri niya si Enzo sa academic journey nito.
Ani Edu, nasaksihan niya ang ipinuhunang resilience at perseverance ng anak para makatapos ng nasabing kurso.
Eh, ano pa nga ba ang iisipin natin?
Posibleng pinaghahandaan na ni Enzo ang pagpasok sa pulitika, na minsan ay naging mundo rin ng kanyang ama!
Tandaan, minsan si Edu ay nagsilbi bilang vice mayor ng Makati City.
Ngayon, ang tanong: Ano namang posisyon ang tatakbuhan ni Enzo kung sakali?