Home ENTERTAINMENT Andi, suportado ang kaso ni Jake sa vlogger!

Andi, suportado ang kaso ni Jake sa vlogger!

Manila, Philippines- Ibang usapan nga naman kapag menor de edad na ang sangkot.

Nasa ganitong line of reasoning si Andi Eigenmann bilang suporta sa hakbang ni Jake Ejercito laban sa isang vlogger.

Jake is contemplating exploring legal options para bigyan ng leksyon ang vlogger na nagngangalang Chris Briand who took a video of his daughter Ellie without the latter’s consent.

Ellie is the 13-year-old daughter of Andi and Jake.

Makikita kasi sa video na tinatakpan ni Ellie ang kanyang mukha.

Obyus na hindi siya kumportable na bini-videohan siya, much less ang i-post ito.

Kinundena ni Jake ang ginawang clout chasing ng vlogger.

Sinegundahan naman ito ni Andi who posted: “Build your platform on integrity!”

Ang kay Andi, not at the expense of their daughter.

‘Yung mga tao pa namang nakapaligid ay obyus na na-starstruck kay Ellie.

Ang pagkakamali ng vlogger, hindi siya humingi ng permiso.

Sa takot, burado na ang video na ‘yon! Ronnie Carrasco III