Home NATIONWIDE VP Sara sa mga Pinoy: Kalayaan natin ‘wag isuko sa mga taksil

VP Sara sa mga Pinoy: Kalayaan natin ‘wag isuko sa mga taksil

222
0

MANILA, Philippines- Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa bansa na huwag isuko ang kalayaan nito sa mga “traydor” at sa mga walang malasakit sa bansa.

“Hindi tayo lumaya para muling mawalan ng karapatan at maging alipin ng iilan. Ipinagmalaki natin sa mundo ang kalayaan ng mga Pilipino. Huwag nating isuko ang kalayaang ito sa mga taksil at walang malasakit sa ating mamamayan at sa ating bayan,” pahayag ni Duterte sa isang video message para sa ika-127 Independence Day ng bansa.

Binigyang-diin ni Duterte, kasalukuyang nasa Malaysia para sa isang personal trip kasama ang kanyang pamilya, na ang kalayaang natatamasa ng mga Pilipino ngayon ay resulta ng pagmamahal ng mga bayani para sa bansa.

“Paglapastangan sa alaala ng ating mga bayani ang pagyakap sa kultura ng pagkaalipin. Paglapastangan sa diwa ng kalayaan ang pagsasawalang bahala sa paghihirap ng maraming pamilyang Pilipino at ang paglabag sa mga karapatan at sa batas,” giit ni Duterte.

Base sa Office of the Vice President (OVP), nakatakdang dumalo si Duterte ngayong araw sa Independence Day celebration at makilahok sa program consultation kasama ang overseas Filipino workers sa Malaysia. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here