Home ENTERTAINMENT Andrea, aminadong maraming pangakong napako!

Andrea, aminadong maraming pangakong napako!

Manila, Philippines – Mga planong nadiskaril.

Mga pangakong hindi natupad.

This summed up Andrea Brillantes’ life noong 2023.

Aminado ang Kapamilya aktres na siya rin ang may kasalanan kung bakit may mga bagay siyang hinangad gawin pero naudlot.

Hindi nangiming inamin ni Andrea na isa siyang “procrastinator.”

Ang ganitong uri ng tao ay may kapasidad namang gawin ang isang bagay, kaso’y that person has a tendency to resort to delaying tactics.

In fairness, bukod sa katamaran na rin ay hindi ‘yon mahanapan ng oras ng taong ‘yon.

Sa kaso ni Blythe ( palayaw niya), taong 2016 pa raw nang isinumpa niyang magwo-work out.

To look healthy raw ang pangunahin niyang dahilan why she wanted to look good.

Eh, anong taon na raw ngayon?!

Kaya by hook or by crook daw, ngayon ay itutuloy na raw niya ang pagwo-work out.

This year din daw ay lalakarin na niya ang kanyang driver’s license.

As in many won’t believe it: sa estado ni Andrea ngayon, she cannot drive around dahil wala siyang lisensya!

Naikunek naman ‘yon ng ilang netizens sa naibenta nang Chevrolet Corvette sports car ni Daniel Padilla.

Hindi raw ba nagkaroon ng interes si Andrea na bilhin ‘yon sa halagang P6.5M? Ronnie Carrasco III

Previous articleBinay nanggalaiti sa itinayong private resort sa paanan ng Chocolate Hills
Next articleIka-161 Malasakit Center inilunsad sa Bocaue, Bulacan