Home ENTERTAINMENT Andrea, nagpatapyas ng braso; Kim, Face of Summer ni Belo!

Andrea, nagpatapyas ng braso; Kim, Face of Summer ni Belo!

Manila, Philippines – Sina Kim Chiu at Andrea Brillantes lang ang ilan sa napakaraming tumatangkilik sa Belo Medical Clinic ng tinaguriang doctor to the stars.

Kay Dra. Vicky nagpaayos ng braso kamakailan si Andrea.

Pagbibiro ng aktres, lahat daw yata ng blessings na dumarating sa kanya ay napunta sa braso.

Hence, kailangang tapyasan ng taba ang kanyang mga braso.

Kung tutuusin, ‘yun lang naman ang maituturing na excess kay Andrea.

Kung ganda at ganda rin lang ng mukha ay walang kapintasan ang aktres.

‘Yun nga lang, kinabog ni Kim si Andrea!

Si Kim kasi ang napili ng Belo Medical Group bilang Face of Summer.

Pamatay nga ang awra ni Kim in her skimpy bikini, one might think na dapat panghinayangan ni Xian Lim why he chose to break up with her.

‘Yung lagay na ‘yon, never pang sumailalim sa anumang procedure si Kim.

Never niyang naging problema ang pagiging tabain even if she admits to eating anything she likes.

Pork, chicken and beef ang mga karneng kinakain ni Kim but in moderation.

What saves her from gaining weight ay dahil hindi siya mahilig magkakain ng sweets, kahit pa sabihing she projects a “sweet image.”

Samantala, nagkaroon kamakailan ng reunion ang grupo nilang AngBeKi.

Ang “Ang” ay si Angelica Panganiban at ang “Be” ay si Bela Padilla.

In-enjoy ng dalawa ang pakikipaglaro kay Baby Bea, Angelica’s daughter.

Speaking of whom, finlex ni Angelica ang video nila ng anak.

Makikitang nakahilig ang young mother sa binti ni Baby Bean na all smiles at kumakaway pa sa video habang kinukunan. Ronnie Carrasco III