Home METRO Babaeng tulak, itinumba sa Antipolo

Babaeng tulak, itinumba sa Antipolo

MANILA, Philippines – Itinumba ng hindi pa tukoy na gunman ang hinihinalang babaeng tulak na kabilang sa barangay watch list, sa Antipolo City, Rizal nitong Linggo, Marso 31.

Ayon sa Region 4A police, ang biktima ay kinilala sa alyas na “Rose” na naliligo bandang alas-3 ng hapon sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cupang nang pumasok ang isang armadong lalaki at paulit-ulit siyang binaril gamit ang handgun.

Tumakas ang gunman matapos ang pamamaril at naiwan si Rose na dead on the spot.

Sa impormasyon mula sa mga opisyal ng barangay, si Rose ay may kaugnayan sa mga drug-related case.

Nakuha ng mga imbestigador ang ilang piraso ng drug paraphernalia sa basurahan sa bisinidad ng bahay ng biktima.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng bumaril at motibo sa likod ng insidente.

Naglunsad na rin ng manhunt operation para maaresto ang killer. RNT/JGC

Previous articleAndrea, nagpatapyas ng braso; Kim, Face of Summer ni Belo!
Next articlePagbuwag ng ‘mass bases’ nagpahina sa NPA – NTF-ELCAC