Home NATIONWIDE Pagbuwag ng ‘mass bases’ nagpahina sa NPA – NTF-ELCAC

Pagbuwag ng ‘mass bases’ nagpahina sa NPA – NTF-ELCAC

MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mabubuwag na ngayong taon ng mga tropa ng pamahalaan ang 11 mahinang New People’s Army guerilla fronts.

Ito ang pahayag ni NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto Torres Jr. nitong Linggo, Marso 31 na mahalaga ang pagbuo ng task force noong 2018 sa pagbawas at pagbuwag sa tinatawag na “mass bases” na naging dahilan ng paghina ng NPA guerilla fronts.

Dagdag pa ni Torres, isa sa ‘essential characteristics’ ng isang NPA-cleared area ay ang kakulangan ng “mass base” at resource generation capability.

“Meaning, ‘yung mga tao doon mismo ang nagbibigay na ng information sa mga security forces natin kung sila (NPA) ay nagre-recover or bumabalik pa sa community to conduct atrocities or to extort money,” dagdag pa niya.

Ang pahayag na ito ay tugon sa mga pangamba ng iba sa lakas at armed capability ng NPA sa mga nakalipas na engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at ng mga sundalo sa ilang bahagi ng bansa.

Mula 89 active guerilla fronts noong 2018, ani Torres ay nasa 11 na lamang ito ngayon at mahihina na. Lima sa Luzon, at tig-tatlo sa Visayas at Mindanao. RNT/JGC

Previous articleBabaeng tulak, itinumba sa Antipolo
Next articleBong Go: Mag-ingat sa nakamamatay na init