Manila, Philippines – May kasabihan ngang, “What goes around comes around.”
At sa kaso ni Andrea Brillantes, kung napagtiisan niya noon ang ginawang pananampal sa kanya ni Dimples Romana sa teleseryeng Kadenang Ginto, ngayon, nagbago na ang takbo ng eksena.
Sa isang palabas, nagkabaligtad ang kanilang mga role.
Call it a reversal of fortune dahil si Andrea naman ang may eksenang sinampal niya si Dimples.
Take note, ang ganoong eksena ay nagbibigay kay Andrea ng ibang kind of high.
Sadista? Not exactly. Sa kanyang mga salita, proud lang ang aktres na mabigyan ng pagkakataong makasabay sa isang beteranong aktres tulad ni Dimples.
Aniya: “I feel honored to be working with a respected veteran actress!”
Isa nga sa nag-trending sa social media ang sampalan scene nina Andrea at Dimples, na nagpalabas ng interes sa mga manonood na panoorin ito.
Pero, let’s face it, walang sampalan ang makakahalintulad sa eksena kung saan kaeksena ang isang batang artista sa isang tulad ni Maricel Soriano.
Dream come true nga para sa marami ang makatikim ng sampal mula kay Maricel.
Kapag nangyari na iyon kay Andrea, doon lamang niya masasabing tunay na siya ay nakarating na. Ronnie Carrasco III