Home ENTERTAINMENT Andres, kinumpirmang NBSB; Netizens, nagreak!

Andres, kinumpirmang NBSB; Netizens, nagreak!

220
0

Manila, Philippines – Pinag-uusapan ng mga tsismosang kapitbahay ang naging confession ni Andres Muhlach kamakailan na never pa siyang nagkaroon ng girlfriend.

At 24 kasi, parang bibihira sa isang guy na maging No Girlfriend Since Birth o NGSB.

Dagdag pa niya, choice raw niya na huwag munang magdyowa.

Sa panayam ni Boy Abunda, natanong din siya kung nakikialam ba sa kanyang lovelife ang kanyang mga magulang na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Wala namang paligoy-ligoy na sinabi niya na natural lang sa parents niya ang magbigay ng advice tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Gayunpaman, nilinaw niya na hindi raw naman nag-i-impose ang dalawa pagdating sa babaeng bet nila para sa kanya.

Hirit pa niya, never pa rin daw niyang naranasang mag-uwi sa kanilang bahay ng potential girlfriend.

Sey pa niya, kung gagawin daw niya iyon ay siguradong seryoso na siya sa girl.

Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers sa kanyang mga ikinumpisal.

“Sa true lang siya, at least di paasa. Haha.”

“Ang swerte ni Andres. Hindi niya need pilitin ang sarili niya na magpanggap in the name of his celebrity image kahit na nagsisimula pa lang siya. Why? Cause he’s a Muhlach.”

“He’s still young! Hayaan nyo sya mag-explore.”

“Obvious talaga. Wala siyang gusto and obvious din na ayaw ng management niya sa AshDres.”

“This might have single handedly squashed all the dating chismis. Dami din na link sa kanya: BINI Mikha, Kai Montinola, Ashtine Olviga, etc.”

“He really got the best features of both Aga and Charlene ‘no?”

“Ibig sabihin hindi niya talaga type si yung isa HAHAHAHAHA.”

“Ako personally, tingin ko trabaho lang yung kanila nung on screen partner niya e. wala talagang something nung nakita ko ng personal.”

“Imposibleng hindi tumikim ng babae dito sa Spain yan!! Sa Spain siya nag-aral ng college at matic na yan.”

“At least wala nang paligoy-ligoy. Baka makatulong na yan, na wag na masyado umasa yung mga delulu nilang fans. Kaya din siguro nag-musical at nag-aral ng Tagalog, pinaghahandaan ang paglipat.”

“End of AshDres era na ba?”

“So for promo lang at fan service iyong sweetness nila ni Ashtine.”

“Baka naman, sobrang napili ni Andres.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here