Manila, Philippines – Habang naka-live sa Facebook sa isang beach resort sina Onemig Bondoc at Aiko Melendez, may netizen na nag-comment at nagsabing ginagamit lang raw ng aktor ang QC councilor para magkaroon ng maraming views at subscribers ang YouTube Channel ng una.
At kung titingnan mo nga naman ngayon ang YT channel ni Uno (palayaw ni Onemig) ay ang laki na ng progress nito na umaabot na sa almost 500K ang nagiging views, na dating pumapalo lang sa 50K.
Siyempre, bebenta at panonoorin talaga ang vlog ni Onemig lalo’t madalas niyang kasama si Aiko.
Marami ang nag-aabang lalo na sa mga intresado sa love story ng dalawa.
Well, sa isyu naman na user daw itong si Onemig, for us, sa yaman ng retired ng actor at businessman ay hindi na nito need na manggamit pa ng tao para kumita ang kanyang channel.
Baka happy lang talaga siya na laging kasama ang kanyang love na si Aiko.
Kung pera ang pag-uusapan at kita sa YouTube, siguradong balewala ito kay Onemig dahil rich nga siya na hindi kailanman namroblema sa pera. Peter Ledesma