Home ENTERTAINMENT Anette, nagsalita na sa isyung sisibakin ang Showtime!

Anette, nagsalita na sa isyung sisibakin ang Showtime!

Manila, Philippines – May tsika na hanggang ngayong December, 2024 na lamang daw ang pag-ere ng It’s Showtime sa Kapuso network dahil expired na raw ang kontrata ng Kapamlya noontime show.

Ang papalit daw sa nasabing timeslot ng It’s Showtme, na napapanood tuwing 12:00 noon hanggang 2:30pm Mondays to Saturdays ay ang TiktoClock na ang mga hosts ay sina Pokwang at Kuya Kim Atienza.

Matagal nang pinag-uusapan sa social media ang pagkawala ng show nila Vice na papalitan naman ng show nina Pokwang,

Nito lang mga nagdaang araw ay nabuhay ang isyu dahil matatapos na ang kontrata ng It’s Showtime sa GMA-7 ngayong December 2024.

May ilang press ang nakausap ng mga taong involved sa production team ng TiktoClock at anila’y wala naman daw advise sa mga ito na paghandaan ang panibagong slot at ire-replace nila ang programang It’s Showtime.

Sana raw ay pinaghahandaan na nila ang anumang pagbabago sakaling masabihan sila.

Kaya naman minarapat ng Pep.Ph Troika na kunin ang panig ni Atty. Annette Gozon-Valdes, ang senior vice-president ng GMA-7 na nasa Singapore para linawin ang isyung ito.

Sagot ng lady executive: “We are in the process of negotiations now for the renewal of Showtime.”

Dahil di pa pinal ang pagpapatalsik sa It’s Showtime,ang ibig sabihin ba nito ay mas malaki ang posibilidad na mananatili pa rin sa GMA-7 ang noontime show nina Vice Ganda?

Ani Ms. Gozon, “I do not know who released this info since we are still currently negotiating nga for Showtime’s renewal,”

Kung tatanungin naman daw ang mga taga-TiktoClock ay sinasabi nilang mas gusto nila ang kasalukuyan nilang timeslot.

Ayaw raw nilang ma-stress nang bonggang-bongga sakaling ililipat sila at tapatan si Vice Ganda kung ang programa nila ang magiging noontime show ng Kapuso network. Ador Saluta